Radioactive Sago Project: Kape

Aug 2, 2007

Eto hindi mo ‘to alam, pero noong araw, ipinagbabawal ng mga hari ang kape
Sabi ng hari, “Pupugutan ko ng ulo ang lahat ng mahuli kong humihigop ng kape”
Pano naman, paboritong inumin ito ng mga pilosopo, ng mga magikero, ng mga makata
Akala ng hari, tumatalino sila dahil sa kape
Pero hindi ko alam, hindi ko alam, p’re, basta alam ko masarap magkape

Eto hindi mo rin ‘to alam, pero noong araw, ipinagbabawal din ang alak
Marami nang nakulong dahil sa pag-inom ng alak
Marami nang nakulong dahil nagbebenta sila ng alak
Marami nang patayan dahil sa alak
Pero tignan mo naman ngayon, ang mundo nalulunod sa alak
Marami nang buhay nasira sa alak pero sa kape, wala pang nasirang buhay
Ewan ko, hindi ko alam, p’re, basta alam ko masarap magkape

Ang sarap talaga mag-kape, pare ko
Habang sinusulat ko ‘to, uminom na ‘ko ng sampung tasang kape
Hindi ko alam, hindi sa Starbucks dahil wala ‘kong pera
Dito lang sa bahay, kapeng barako lang kaya ng bulsa ko
Sampung baso, ang sarap talaga, nalulunod na ang ulo ko
Ngayon, malawak na ang pananaw ko sa buhay
Ngayon, hindi na ‘ko natatakot mamatay, ang sarp mag-kape

Ngayon, puro kape na’ng laman ng ugat ko
Ang tali-talino ko na
Pwede na akong mag-champion sa Game Ka na Ba
Ang tali-talino ko, ang lakas-lakas ko
Mamaya magsuntukan tayo
Mamaya magsuntukan tayo
Ngayon, wala nang pagkain sa mesa
Wala nang paki sa mesa
Ubos na rin ang sigarilyo
Hindi na ako makahinga
Ubos na ang sigarilyo
Hindi ako makahinga
Magsuntukan na tayo
Ubos na ang sigarilyo
Hindi ako makahinga
Hindi ako makahinga
Ubos na ang sigarilyo
Magsuntukan na tayo
Hindi ako makahinga
Hindi ako makahinga

Ang sarap mag-kape
Ang sarap, sarap, sarap, sarap talagang mag-kape
Ang sarap mag-kape
Ang sarap mag-kape
Ang sarap mag-kape
Ang sarap mag-kape, sarap, sarap
Ang sarap sarap mag-kape
Bagong laga
Kahit instant coffee, ang sarap mag-kape

Hindi ako makahinga
Magsuntukan na tayo
Hindi ako makahinga
Magsuntukan na tayo
Mamaya, magsuntukan tayo
Mamaya, magsuntukan tayo
Mamaya, magsuntukan tayo
Hindi ako makahinga
Mamaya magsuntukan tayo
Hindi ako makahinga
Magsuntukan na tayo
Hindi ako makahinga
Mamaya, magsuntukan na tayo
Magsuntukan na tayo
Fade out na ‘to
Fade out na ‘to

0 comments: