Karel Marquez: Tag-ulan

Aug 1, 2007

Minsan ika'y nag-iisa walang makasama
Di malaman sa'n tutungo naghahanap, nag-iisip
Kung sa'n babaling dito sa mundong mapaglaro
At tuwing ika'y nalulumbay di makakita

Nais mo ay may makasama
Sa `yong lungkot akala
Mo ika'y nag-iisa narito ako't kapiling ka
Kung nais mo ika'y lumuha
Ako'y makikinig sa bawat salita
Kapag umuulan bumubuhos ang langit

Sa `yong mga mata---
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha
Ngunit di ka mag-iisa-- kaibigan
Kay rami ng mga tanong sa `yong isipan

Nais mo lamang ay malaman
Bakit nagkaganoon ang nangyari sa `yong buhay
Tanong mo man sa `ki'y `di ko alam
Handa akong maging tanggulan

Sa tuwing sasapit sa `yo ang tag_ulan oh
Kapag umuulan bumubuhos ang langit
Sa `yong mga mata--
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha

Ngunit di ka mag-iisa--
Ako'y naririto naghihintay lamang
Sa `yo tumawag ka't ako ay tatakbo sa piling mo
Kaibigan kaibigan kaibigan
Kapag umuulan bumubuhos ang langit

Sa `yong mga mata--
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha
Ngunit di ka mag-iisa kaibigan
Kaibigan kaibigan

0 comments: