Madilim ang ‘yong paligid, hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa yo’y pinagkaitan
Wag mabahala kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan
[Chorus]
Di nalalayo sa yo ang tunay na mundo
Marami sa ami’y nabubuhay nang tulad mo
Di makita, di madinig, minsa’y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso’t damdamin wala sa ‘yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, d’yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman
[repeat Chorus]
Ano sa yo ang musika, sa yo ba’y mahalaga
Matahimik mong paligid, awitan ay di madinig
Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo
[repeat Chorus]
Di makita, di madinig, minsa’y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Yeng Constantino: Bulag, pipi at bingi
Aug 3, 2007
Posted by Webmaster at 9:08 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment