Sa pag mulat ng aking mata
Ako’y ginising ng ihip ng hangin
Ang sikat ng araw, makulay
Sa tabi ng ilog
Parang may tumatawag, pabulong
Ako’y lumapit sa puno’y may natanaw
Dumilim ang araw
Bumigat bigla ang aking dibdib
Tibok ng puso’y bumilis
Ako’y hindi mapakali, ako’y naduduwal
Sa pagtitig ng kanyang mata
Ako’y kanyang hinusgahan
Ligaya kong naramdaman
Binawi sa akin
At hindi ko maalala
Kung saan galing ito
Mga bahid ng dugong dumikit sa aking mga kuko
Tumakbo, lumayo sa lugar na ‘to
Lalamunan ko’y tuyung-tuyo
Tumakbo, lumayo sa pagtitig mo
Sa mata ng Diyos
Biglang umikot ang paningin
Liwanag ng araw biglang dumilim
Malambing na ihip ng hangin ngayon ay maitim
Ako’y nawala sa aking sarili
Pati ang lupa’y gumanti
Bata, bundok at puno man
Sumisigaw, sumisigaw
At ngayon ko nakita
Ang lahat ng kasalanan, tinaboy sa ulan
Init at kamunduhan
Tumakbo, lumayo sa lugar na ‘to
Lalamunan ko’y tuyung-tuyo
Tumakbo, lumayo at magtago
Sa mata ng Diyos
Mata ng Diyos
Inalok ako ng isang ahas
Pula’t matamis na mansanas
Pilit ko man hindi makaiwas
Sa mata ng Diyos
Wolfgang: Mata ng Diyos
Aug 3, 2007
Posted by Webmaster at 8:51 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment